POLITICAL THOUGHTS

We have our opinions and preferences kung sino ang gusto nating mamuno sa ating bansa.

No two humans are alike so asahan talaga natin na may mga conflict at arguments as to who is better than who. Unfortunately, may nagkakasiraan at the expense of friendship pero ganun talaga.
Nakakafrustrate tingnan ang mga kandidatong napakagagaling manligaw pero alam naman na natin ang kahihinatnan kung titingnan ang kanilang track record. Pero ganun talaga, kaya nga “ligaw” eh. Pag naupo na sila, ibang usapan na yun. Tandaan natin, ung dating nagsabi satin na tayo ang boss nya, sa huli, na-boss-abos yata tayo. Pero anyway…..

We can always post lahat ng saloobin natin sa social media and that is really fine. Nakakaaliw nga eh. Ako nga eh, feeling ko naging overnight political analyst ako (lol) pero believe me this ain’t my cup of tea. After this, I am back to posting economic news again and I myself gets bored at that.

But what am I really trying to say? At the end of the day, we will still have to take care of our own backyard.

Our candidate may or may not win pero buhay mo, sagot mo. Pera mo, sagot mo. Pamilya mo, sagot mo. Kung disiplinado ka, or matino ka or disente ka, good for you and your family. Kung financially literate ka, mas mainam yun dahil you control your wealth and hindi mo talaga maaasahan ang gobyerno ng tuluyan para lang kupkupin ka. Kung masipag kang mamamayan, ipagpatuloy mo lang kaibigan. At least hindi ka nagreresort sa krimen para lang matugunan ang pangangailangan na naging resulta ng katamaran. Kung tapat kang nagbabayad ng buwis, patuloy kang manalig na hindi makukurakot ang kontribusyon mo sa bayan. Sa mga OFW, nawa’y ang mga pamilya nyo’y manatiling ligtas sa panganib at makapamuhay ng matiwasay kahit kayo’y magkalayo.

Sa mga bagay na hindi na natin kontrolado, ipasa-Diyos na lang natin. Sa mga bagay na alam nating makakaimpluwensiya at makakatulong tyo, pagtuunan natin ng lakas at atensyon para bago tayo matulog, masasabi natin sa ating sarili na tayo ay naging mabuting mamamayan.